PNP full alert sa Xmas Season
MANILA, Philippines — Nagpatupad kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng full alert status upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay PNP Spokesman P/Brigadier General Bernard Banac na ang kanilang full alert status ay nagsimula kahapon ng alas-6:00 ng umaga ay magtatapos sa Enero 5 ng susunod na taon.
Ang pagsisimula ng full alert status sa pulisya ay mula sa pagdiriwang ng Pasko hanggang sa Bagong Taon kaya kailangan dito ay may maximum na presensya ng buong kapulisan.
Sa ngayon ay walang namomonitor ang PNP na anumang security threat sa Metro Manila o sa anumang panig ng bansa ngayong Kapaskuhan, pero patuloy ang police visibility sa mga pampublikong lugar tulad ng mall, simbahan, transport terminal at iba pa.
Pinayuhan naman ni Banac ang mga lider ng simbahan na maglatag ng kanilang security measure sa bungad pa lang ng kanilang mga gusali para masiguro ang kaligtasan ng mga magsisimba.
- Latest