DOH paiigtingin ang ‘Oplan Iwas Paputok’

Kabilang sa tututukan ng DOH ang mga bata na kadalasan nabibiktima ng paputok at umaasa na mabawasan ang bilang ng mga napuputukan ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

MANILA, Philippines — Para sa mas ligtas na pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon ay paiigtingin ng Department of Health ang kanilang kampanyang “Oplan Iwas Paputok”.

Bahagi ng kampanya ang pagtaguyod at pakikilahok sa community fireworks display, magdiwang nang ligtas kasama ang pamilya, paglikha ng ingay gamit ang ibang bagay tulad ng torotot, busina, musika, lata, at iba pa.

Kabilang sa tututukan ng DOH ang mga bata na kadalasan nabibiktima ng paputok at umaasa na mabawasan ang bilang ng mga napuputukan ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Show comments