P5-B pinsala ng bagyong tisoy sa Albay

MANILA, Philippines — Nasa P5 bilyon na ang danyos sa lalawigan ng Albay sa pananalasa ng bagyong Tisoy noong naka­raang linggo.

Sa tala ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) pinakamaraming nasalanta ay ang mga kabahayan na nasa malapit sa karagatan lalo na sa bayan ng Pio Duran dahil sa daluyong.

Sinabi ni Cedric Daep, hepe ng APSEMO uma­bot na sa P2.23-bilyong piso ang halaga ng nasi­rang mga bahay kung saan higit 23 libong bahay ang totally damaged habang 77 libo ang partially damaged.

Sa mga nasirang imprastraktura gaya ng kalsada, tulay, sea walls at iba pa ay umabot sa P1.86-bil­yong piso.

Sa mga nasirang school building ay umabot naman sa P409.63-milyong piso habang nasa P314-mil­yon ang nasira sa livestock at agriculture.

Show comments