^

Police Metro

Singil sa kuryente tataas ngayong Disyembre

Mer Layson - Pang-masa
Singil sa kuryente tataas ngayong Disyembre
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtataas ng electricity rates na mahigit 30 sentimo/kwh nga­yong December bill ay dulot ng pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa dalawang ulit na pagtataas ng yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan at mas mataas na generation charges.
File

MANILA, Philippines — Ngayong buwan ng Disyembre ay tataas ng P0.3044 kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kur­yente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ang naturang pagtaas ng singil ay katumbas ng P60.88 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan; P91.32 para sa nakakakonsumo ng 300 kwh kada buwan; P121.76 sa nakakagamit ng 400 kwh at P152.20 naman sa nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtataas ng electricity rates na mahigit 30 sentimo/kwh nga­yong December bill ay dulot ng pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa dalawang ulit na pagtataas ng yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan at mas mataas na generation charges.

Tumaas rin umano ang presyo ng power mula sa Independent Power Producers (IPPs) ng P0.1106/kWh at P0.0987/kWh naman mula sa Power Supply Agreements (PSAs).

MANILA ELECTRIC COMPANY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with