MANILA, Philippines — “Huwag payagang makalusot ang bagong aplikasyon ng ‘power supply agreements’ (PSA) na gagamit ng maruming karbon.”
Ito ang hiniling ng mga konsyumer at mga grupo ng clean energy advocates sa pamunuan ng Energy Regulatory Commission’s (ERC).
Nagtipun-tipon ang grupo ng Power for People Coalition’s (P4P) sa harapan ng tanggapan ng ERC na nagsasagawa ng serye ng pagdinig sa anim na bagong isinusumiteng aplikasyon sa PSAs nitong December 3, upang hilingin na protektahan ang mga konsyumer laban sa karbon.
Ayon kay Gerry Arances, Convenor of the Power for People Coalition (P4P) na siya ring Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) na sa anim na mga ‘bid’ na nanalo at ngayon ay na-aaplay na lamang ng aprubasyon ay ang dalawang kontrata ng ‘coal’ o karbon, dalawang kontrata ng gas, at ang ikalima ay ang pinaghalong karbon at solar power.
Sinabi naman ni Sammy Arrogante ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na 97% mga konsyumer ang nagsabing sawang-sawa na sa pagpupumilit na gumamit ng maruming coal at dapat ay makinig ang ERC sa usapin ng mga bagong kontrata dahil ang magbabayad at muling pahihirapan ang mga konsyumer.