^

Police Metro

P4P: ‘Wag aprubahan ang kontrata ng ‘dirty energy’!

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Huwag payagang ma­kalusot ang bagong apli­kas­yon ng ‘power supply agreements’ (PSA) na ga­ga­mit ng maruming karbon.”

Ito ang hiniling ng mga konsyumer at mga grupo ng clean energy advocates sa pamunuan ng Energy Regulatory Commission’s (ERC).

Nagtipun-tipon ang grupo ng Power for People Coa­lition’s (P4P) sa harapan ng tanggapan ng ERC na nagsasagawa ng serye ng pagdinig sa anim na bagong isinusumiteng aplikasyon sa PSAs nitong December 3, upang hilingin na protektahan ang mga konsyu­mer laban sa karbon.

Ayon kay  Gerry Arances­, Convenor of the Power for People Coalition (P4P) na siya ring Executive Di­rector ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) na sa anim na mga ‘bid’ na nanalo at ngayon ay na-aaplay na lamang ng aprubasyon ay ang dalawang kontrata ng ‘coal’ o karbon, dalawang kontrata ng gas, at ang ikalima ay ang pinaghalong karbon at solar power.

Sinabi naman ni Sammy Arrogante ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na 97% mga konsyumer ang  nagsabing sawang-sawa na sa pagpupumilit na guma­mit ng maruming coal at dapat ay makinig ang ERC sa usapin ng mga bagong kontrata dahil ang magbabayad at mu­ling pahihirapan ang mga konsyumer.

POWER SUPPLY AGREEMENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with