^

Police Metro

Gobyerno walang planong bayaran ang 2 water firm

Rudy Andal - Pang-masa
Gobyerno walang planong bayaran ang 2 water firm
Inakusahan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang dalawang water com­pa­nies na ginatasan ng bil­yon ang mga customers nito at naniniwala ang Pangulo na onerous ang kontrata na pinasok ng gobyerno noong 1997 kaya inatasan nitong bu­malangkas ng bagong kon­trata na hindi lugi ang gobyerno.

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Pa­lasyo na “onerous” ang kon­trata kaya’t walang planong magbayad ang gobyerno ng mahigit P10-bilyon sa dalawang water concessionaires ka­hit ina­tasan ito ng Singapore arbitration court.

“Hindi magbabayad, kasi nga onerous ‘yung kontrata eh, masyadong­ disadvantageous sa gob­yerno,” wika ni Presiden­tial Spokesman Salvador Panelo.

Inatasan ng Permanent­ Court of Arbitration sa Singapore ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Ayala-owned Ma­nila Water ng P7.39-bilyon dahil sa lugi nito mula June 2015 hanggang Novem­ber 2019. Habang pi­nag­­­babayad din ng korte ang Pilipinas sa Maynilad ng P3.4 billion dahil sa hindi pagpayag na magtaaas ng singil sa tubig mula 2013-2017.

Inakusahan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang dalawang water com­pa­nies na ginatasan ng bil­yon ang mga customers nito at naniniwala ang Pangulo na onerous ang kontrata na pinasok ng gobyerno noong 1997 kaya inatasan nitong bu­malangkas ng bagong kon­trata na hindi lugi ang gobyerno.

WATER CONCESSIONAIRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with