^

Police Metro

RTC sinuspinde ang expropriation proceedings ng power firm

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Iloilo Regional Trial Court ang mga expropriation proceedings na isinampa ng MORE Electric and Power Corporation sa isang panukalang kunin ang mga pasilidad ng Panay Electric Company (PECO).

Dumating ang suspension order sa gitna ng kabiguan ng MORE na makakuha ng kanais-nais na desis­yon mula sa Supreme Court na Temporary Restraining Order na epektibong tinanggihan ang MORE para sa pag-iisyu ng isang TRO o writ of preliminary injunction laban sa dati at nakaraang resolusyon ng Mandaluyong RTC na nagdedeklara ng MORE expropriation at pag-takeover ng electric distribution assets ng PECO ng unconstitutional.

Ibinasura rin ni Presiding Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ang motion to inhibit mismo na isinampa ng MORE.

Ipinaliwanag dito na ang nasabing supervening event ang naglagay sa RTC Iloilo sa quandary kung itutuloy ang expropriation o hindi.

Una nang naglabas ng writ of possession si RTC-Ilolio, presiding Judge Yvette Go, pabor sa MORE, ilang araw bago mag-isyu ang Mandaluyong Court ng ka­utusan.

Si Judge Go, kasama ang MORE, ay inatasan ng Supreme Court na magprisinta ng ebidensya kung bakit hindi sila makasuhan ng contempt sa pagpapa­tuloy ng kaso.

PANAY ELECTRIC COMPANY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with