Sunog sa Makati: 200 pamilya nawalan ng bahay
MANILA, Philippines — Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na mahigit tatlong oras na sunog sa isang residential area sa Makati City kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Makati, nagmula ang apoy sa bahay umano ng isang Jerome Samosa sa Zan Zivar Street, Brgy. San Isidro sa naturang lungsod na mabilis na kumalat sa mga kalapit-bahay na pawang gawa sa light materials.
Dakong ala-1:32 ng hapon nang ideklara ang unang alarma ng sunog na agad na umakyat ng hanggang ikaapat na alarma dakong ala-1:50 ng hapon at alas-3:30 na ng hapon nang ideklarang “fire-out”.
Nasa 100 bahay ang natupok habang tinatayang higit sa P1 milyon ang halaga ng ari-arian ang nawasak.
Pansamantalang inilagay ang mga biktima ng sunog sa pinakamalapit na basketball court sa lugar.
- Latest