Gasolina may dagdag-presyo, diesel at kerosene nag-rolbak
MANILA, Philippines — Ngayong umaga ay magpapatupad ng dagdag sa presyo ng gasolina habang may rolbak naman sa diesel at kerosene.
Pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron Corporation ang anunsyo sa dagdag-bawas na kanilang ipatutupad dakong alas-6:00 ng umaga ngayong Martes.
Parehong magtataas ng P.85 sentimos sa kada litro ng gasolina ang dalawang kompanya habang tatapyasan ng maliit na P.15 sentimos kada litro ang diesel at P.25 sentimos kada litro ang kerosene.
Magpapatupad din ng kahalintulad na pagbabago sa gasolina at diesel ang Petro Gazz maliban sa kerosene na hindi nila ibinibenta.
Wala pa namang anunsyo ang ibang kompanya ng langis sa kanilang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan naman na susundan nila.
- Latest