Pagbabanta ni Duterte kay Robredo, paalala lang - Malacañang

Ayon kay Panelo, “unfounded” at “unproductive” ang sinasabing sinasabotahe ng Pangulo si Robredo para mabigo ang pagiging anti-drug czar nito.
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Isang paalala lamang umano ni Pangulong Rod­rigo Duterte kay Vice President Leni Robredo ang naging pagbabanta nito na sisibakin sa kanyang puwesto kapag ibinulgar ang mga sensitibong impormasyon tungkol sa droga na makakapekto sa seguridad ng bansa.

Ito ang paglilinaw  kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pinaalala lang ng Pangulong Duterte na may limitasyon ang trabaho ni Robredo bilang anti-drug czar.

Ayon kay Panelo, “unfounded” at “unproductive” ang sinasabing sinasabotahe ng Pangulo si Robredo para mabigo ang pagiging anti-drug czar nito.

Nauna nang hiningi ni Robredo na ang pagkakaroon niya ng access sa mga dokumento na may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, na naglalaman ng mga classified information, at kalaunan ay nakipagpulong sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).

Nababahala si Panelo sa naging hakbang na ito ni Robredo, dahil maaa­ring sumobra na aniya ang bise presidente sa otoridad na ibinigay dito.

Show comments