MANILA, Philippines — Maaaring gamitin sa buong bansa ang search warrant na inisyu ng executive judges ng Manila at Quezon City dahil ito ay legal.
Ito ang paglilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, bunsod ng pagsalakay sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno, Anakpawis, Gabriela, at National Federation of Sugar Workers sa Negros Occidental.
Ayon kay Hosaka, inatas ni Chief Justice Diosdado Peralta ang Court Administrator na paalalahanan ang mga judges na maging makatwiran at naaayon sa batas matapos na hilingin ni Bayan Muna chair Neri Colmenares sa SC pag-aralan ang pag-iisyu ng warrant matapos umabot sa 57 aktibista ang dinakip nang salakayin ng PNP at Philippine Army.
Ang naturang warrant ay inisyu ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89.
Ang mga regional trial court judge naman ay na nag-isyu ng search warrant ay maaaring magamit para lamang sa kanilang nasasakupan.