^

Police Metro

DENR officers na magpapabaya sa greening program target, sisibakin

Angie dela Cruz - Pang-masa
DENR officers na magpapabaya sa greening program target, sisibakin
Aniya ang isang field officer ay dapat na maisagawa ang 85-percent survival rate ng planted tree seedlings na nakalaan sa mga peoples organizations (POs) sa ilalim ng Expanded National Greening Program (E-NGP).
Andy G. Zapata Jr/File

MANILA, Philippines — Sisibakin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu ang sinumang frontline field officers na magpapabaya sa greening program target ng ahensiya.

Aniya ang isang field officer ay dapat na maisagawa ang 85-percent survival rate ng planted tree seedlings na nakalaan sa mga peoples organizations (POs) sa ilalim ng Expanded National Greening Program (E-NGP).

“I would like to let somebody take the command responsibility for these areas, it’s very simple. I will relieve you if you cannot fulfill that. Yes, it’s a tall order.”dagdag ni Cimatu.

Ang pahayag ay ginawa ni Cimatu nang manlumo sa nadiskubreng mababang survival rates ng mga seedlings na naitanim sa ilang PO-contracted areas na may 35  hanggang 50 percent lamang.

Mula 2011 hanggang July 2019  ay may halos  2-milyong ektarya ang nataniman ng may 1.7 bilyong tree seedlings na lumikha ng 4.73 milyong trabaho at nagbenepisyu ang may mahigit 670,000 upland dwel­lers. Karamihan sa planted sites ay nakakontrata sa POs.

ROY A. CIMATU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with