Sa evacuation site ng mga nilindol… Lalaki tigok sa agawan ng tolda

Kinilala ang nasawi na si Michael Danga, 21-anyos; habang nakapiit naman sa kulungan ang suspek na si Eric Mata­ngo, 40-anyos, empleyado sa isang plantasyon ng saging; kapwa residente ng nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Nang dahil sa agawan sa trapal upang gawing tolda sa isang evacuation site na matinding napinsala ng sunud-sunod na pagyanig sa lalawigan ng Cotabato, isang 21-an­yos na lalaki ang nasawi matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na umano’y kanyang ­inagawan ng trapal naganap sa Sentro Purok Indang sa Brgy. Indangan sa bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Michael Danga, 21-anyos; habang nakapiit naman sa kulungan ang suspek na si Eric Mata­ngo, 40-anyos, empleyado sa isang plantasyon ng saging; kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, alas-5:00 ng hapon habang naghahanda ang mga residente sa lugar ng kanilang tolda matapos na masira ang kanilang bahay sa lindol at nasa evacuation site na ang mga ito nang biglang dumating ang suspek at kinumpronta si Danga hinggil sa nawawalang tolda nito na bigay pa umano ng pinapasukang plantasyon.

Dito ay pinagbintangan ni Matango si Danga kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa pananaksak sa biktima.

Show comments