‘In-city relocation’ sa informal settlers sa Quezon City, tuloy na
MANILA, Philippines — Bumubuo na ang QC government ng bagong shelter plan para sa mahigit 215,000 informal settler families ng Quezon City alinsunod sa itinatakda ng Housing Code ng lokal na pamahalaan.
Ito ang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte kaugnay ng planong pagtatayo ng “in-city relocation” para sa mga informal settlers ng lungsod.
“Alinsunod sa ating pangako na in-city relocation, pinondohan na natin ang pagbili ng malawakang lupa kung saan itatayo natin ang ating kauna-unahang township initiative, which will be more adept to changing times and land values”pahayag ni Belmonte.
Anya, magtatayo ang lokal na pamahalaan ng mid to high rise structures na may kaukulang payment scheme options upang higit na maparami ang makikinabang sa programa.
Ayon kay Belmonte, inaayos na ang Housing, Community Development and Resettlement Department upang higit na makatugon sa mga pangangailangan ng mga informal settlers ng QC.
- Latest