Mag-tiyuhing Bumbay tiklo sa P4.7 milyong shabu

Hindi na nagawang pumalag nang makorner ng mga operatiba ang mga suspek na sina Ramil Baraguir Modin, 43, ng Quirino Ave., Brgy. Lawerta at Guiamel Manamden Abdul Kadir, 36, residente ng Multinational Village; pawang sa Parañaque City.
File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang mag-tiyuhing Indian national na dumayo pa sa Iriga City sa lalawigan ng Camarines Sur upang magtulak ng droga matapos masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa higit P4-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Isidro, kahapon ng umaga.

Hindi na nagawang pumalag nang makorner ng mga operatiba ang mga suspek na sina Ramil Baraguir Modin, 43,  ng Quirino Ave., Brgy. Lawerta at Guiamel Manamden Abdul Kadir, 36, residente ng Multinational Village; pawang sa Parañaque City.

Sa ulat ni PDEA regional director Christian Frivaldo, sa tulong ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, 9th Infantry Batallion ng Philippine Army, Camarines Sur at Iriga City Police, inilatag ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Agent Enrique Lucero ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-9:00 ng umaga.

Agad inaresto ang mga suspek matapos na i-abot sa ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer ang dala­wang malaking bungkos ng transparent plastic cellophane na may lamang shabu na tumitimbang ng 700-gramo na may kabuuang market value na P4.7-milyon.

Maliban sa droga ay nabawi rin mula sa mga suspek ang tatlong bundle ng boodle money na ginamit sa operasyon, cellphone at sling bag.

Show comments