Magalong pinangalanan ang 13 pulis na sangkot sa drug-recycling
MANILA, Philippines — Labintatlong pulis ang pinangalanan kahapon ni dating Criminal Investigation and Detention Group chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sangkot sa recycling ng ilegal na droga sa Pampanga noong 2013.
Isiniwalat ni Magalong sa ika-7 pagdinig ng dalawang komiteng pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ay inatasan siya ni dating Philippine National Police chief Alan Purisima noong 2013 na imbestigahan ang mga pulis sa Pampanga na namuno sa isang operasyon kung saan nakakuha sila ng nasa 38 kilong shabu.
Kinilala ang mga ito na sina Supt. Rodney Raymundo Baloyo IV; Sr/Insp. Joven de Guzman Jr.; SPO1 Jules Maniago; SPO1 Donald Roque; SPO1Ronald Santos; SPO1 Rommel Vital; SPO1 Alcindor Tinio; SPO1 Eligio Valeroso; PO3 Dindo Dizon; PO3 Gilbert De Vera; PO3 Romeo Guerrero Jr.; PO3 Dante Dizon; at PO 2 Anthony Lacsamana na mga miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pampanga Provincial Police Office na nagsagawa ng isang buy-bust operation sa Woodbridge Subdivision, Lakeshore View, Pampanga, noong Nobyembre 29, 2013.
Dito ay naaresto ang drug lord na si Johnson Lee at nakumpiskahan ng 38 kilong shabu, pero sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na nasa 200 kilo ng shabu ang nakumpiska at hindi 38.
- Latest