Maute terrorist kulong ng 40 taon

MANILA, Philippines — Apatnapung taon na pagkakulong ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 sa isang miyembro ng Maute Terrorist Group na napatunayang guilty sa kasong illegal possession of explosives.

Kinilala ang akusado na si Unday Macadato alyas Solaiman Omar na nadakip sa Cubao, Quezon City noong May 7, 2018 matapos isumbong ng mga residente.

Noong panahong iyon ay nagbabanta at nagyayabang si Macadato na may koneksyon siya sa Maute kaya’t nang masakote ng mga pulis ay kinakitaan ito ng isang granada at itim na ISIS flag at baril 

Nakita na may sapat na ebidensiya si RTC Judge Eleuterio Bathan para patunayan ang alegasyon sa kanya nang magbigay ng testimonya ang mga umarestong pulis kay Macadato.

Ibinasura naman ni Judge Bathan ang alegasyon ni Unday hinggil sa kanyang pagkatao at sa pagsasabi nitong planted ang ebidensiyang nakuha sa kanya ng mga pulis dahil wala itong maipakita na ebedensiya na susuporta sa kanyang mga alegasyon. 

Napag-alaman din na si Macadato ay sniper ng Maute sa kasagsagan ng Marawi siege noong 2017.

Show comments