^

Police Metro

700 pulis nasa drug watchlist ng PDEA

Mer Layson - Pang-masa
700 pulis nasa drug watchlist ng PDEA
Ayon pa kay Aquino, noong siya pa ang regional director ng Police Regional Office 3, nasa 140 pulis sa Central Luzon ang kanyang sinibak at inilipat sa Mindanao.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, nasa watchlist nila ang 700 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Ilan sa 700 pulis ay direktang sangkot sa pagtutulak ng bawal na gamot, nagre-recycle ng droga ang iba, protector ng mga drug lord, drug pusher at ang iba ay gumagamit ng bawal na gamot.

Sinabi ni Aquino, nahihirapan sila na mapatigil ang bentahan ng bawal na gamot dahil may mga alagad ng batas ang mismong sangkot sa drug trade.

Ayon pa kay Aquino, noong siya pa ang regional director ng Police Regional Office 3, nasa 140 pulis sa Central Luzon ang kanyang sinibak at inilipat sa Mindanao.

Talamak din aniya ang drug recycling sa mga pulis ng Central Luzon dahil sa kaliwa’t kanang pagkakasabat ng droga mula sa drug laboratory.

Giit pa nito, naging “band-aid solution” niya ang paglilipat ng mga pulis sa Mindanao para mapawi na ang mga iligal na gawain.

Anya, karamihan sa mga “ninja cops” ay ga­ling sa Manila Police District na naipatapon sa mga probinsiya ay ipinagpatuloy ang kanilang bawal na gawain at nagpalawak pa ng kanilang organisasyon.

AARON AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with