Bro. Eddie kay Ping: ‘Wag kang sinungaling!
MANILA, Philippines — Binuweltahan ni CIBAC partylist Cong. Bro.Eddie Villanueva ng CIBAC partylist si Sen. Panfilo Lacson na pawang kasinungalingan ang alegasyon nito na tatanggap umano ang mga Deputy Speaker ng Kamara de Representante na tulad niya ng dagdag na bilyong pondo sa ilalim ng P1.4 trillion national budget para sa taong 2020.
“Bilang Deputy Speaker for Good Governance and Moral Uprightness, with due respect to Sen. Lacson, ang kanyang alegasyon na may plano raw na bigyan ng P1.5 billion ang mga Deputies ng House of Representatives ay isang malaking kasinungalingan. It is a big, big lie!” wika ni Villanueva.
Maging sina House Majority Leader Martin Romualdez at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro ay hinamon si Senador Panfilo Lacson na ibunyag ang kanyang source na nag-aakusa sa Kamara na naglalaan ng “pork” sa 22 deputy Speakers.
Sinabi Romualdez at Castro, na wala silang alam kung saan nanggagaling ang akusasyon ni Lacson kaya dapat silang tulungan ng Senador para lumabas ang katotohanan sa nasabing impormasyon.
Tulad ng mga naunang pahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano at Romualdez na ang ipinasa nilang 2020 General Appropriations bill noong Sabado ay walang ilegal na pork barrel at insertions.
Nagtataka naman si Senior Deputy Leader Jesus Crispin Remulla kung saan nakuha ni Lacson ang paratang upang sirain ang imahe ng Kamara.
- Latest