^

Police Metro

Recycling ng droga ng mga korap na parak, talamak

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa
Recycling ng droga ng mga korap na parak, talamak
Ang pagsisiwalat ay ginawa ni PDEA Director General Aaron Aquino sa pagdinig ng panukalang pondo ng ahensiya para sa 2020.
File

Ibinulgar ng PDEA...

MANILA, Philippines — Ibinulgar ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na talamak pa rin ang recycling ng ilegal na droga ng mga tiwaling pulis.

Ang pagsisiwalat ay ginawa ni PDEA Director General Aaron Aquino sa pagdinig ng panukalang pondo ng ahensiya para sa 2020.

Maging si Philippine National Police (PNP) Spokesman Brig. Gen.Bernard Banac ay aminado na nangyayari ang ibinulgar ni Aquino.

Kaya’t anya, ito ang pangunahing dahilan kung bakit pursigido ang PNP sa internal cleansing upang tanggalin ang mga bugok na pulis na nagsisilbing batik sa hanay ng organisasyon.

Inihalimbawa ni Aquino sa kanyang pagbubulgar ang kaso ng isang nasakoteng tinaguriang drug queen ng Metro Manila na umano’y bumibili ng droga na inire-recycle ng mga tiwaling parak.

“Ang usually nagiging modus, maybe half of that will be surrendered, iyon ang ipapalabas na na-seize, the other one will be kept, either for future operations [or be sold],” wika ni Aquino.

Ayon pa kay Aquino na mahigit P22 bilyon halaga ng nakumpiskang droga at P20 bilyon dito ay shabu na nasa panga­ngalaga pa ng gobyerno para sa imbentaryo.

Sinisi rin ni Aquino ang mga korte na mabagal magpalabas ng kautusan para sana sa pagsira ng mga nakumpiskang droga na nasa kamay pa ng pamahalaan.

Tumanggi si Aquino na pangalanan kung sino ang nasabing drug queen matapos usisain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Hinamon naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dapat magharap ng mga ebidensiya si Aquino tungkol sa sinasabi niyang talamak na recycling ng ilegal na droga at kung hindi nito masusuportahan ang alegasyon ay lumalabas na tsismis lang ang ibinulgar nito.

Idinagdag naman ng PNP na 400 pulis na ang nadismis sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga simula noong 2016.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

RECYCLING NG ILEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with