Quezon, Metro Manila niyanig ng 5.5 magnitude lindol
MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magkasunod na 5.5 magnitude na lindol alas-4:28 ng hapon kahapon sa may 040 kilometro ng hilagang silangan ng Burdeos, Quezon.
Naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 5 sa Polillo, Quezon, Intensity 4 sa Jose Panganiban, Camarines Norte at Quezon City at Intensity 3 sa Guinayangan, Quezon.
Makaraan nito, nakapagtala rin ng 5.1 magnitude na lindol kahapon ng alas-5:18 ng hapon sa may 034 kilometro ng hilagang silangan ng Burdeos, Quezon.
Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 (LRT 1), Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at maging ang Philippine National Railways (PNR) dahil sa lindol.
Muling bumalik sa normal na operasyon ang LRT dakong alas-4:50 ng hapon habang ang MRT naman ay muling bumiyahe dakong alas-4:58 ng hapon.
- Latest