Rebulto ni Ninoy sa Quezon City, tinanggal

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagpapatuloy na paglilinis ng lokal na pamahalaan sa lahat ng obstruction sa mga kalsada para ibalik muli ito sa publiko ay tinanggal ang rebulto ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino na nakatayo sa Delta kanto ng Timog at Quezon Avenue, Quezon City.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, hepe ng QC Task force for Transport and Traffic Management, malaking bahagi ng daan ang sinakop ng rebulto kaya’t minabuting mailipat na lamang sa ibang lugar.
Umabot ng tatlong oras bago tuluyang natanggal ang rebulto.
Bago tinanggal ang rebulto ay nakipag-pulong muna si Mayor Joy Belmonte sa pamilyang Aquino partikular kay dating Pangulong Noynoy Aquino, Kris at tatlo pang kapatid na ilipat sa mas perpekto at hindi nakakaabalang lugar ang rebulto ng ama.
Nais ni dating Pangulong Noynoy na ilagay ang rebulto ng ama sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife habang nais naman ni Kris na ilipat ito sa dating Manila Seedling Bank sa Edsa, Quezon Avenue.
Pansamantala munang mananatili sa Quezon City Museum na nasa loob ng Quezon Memorial Circle ang rebulto ni Ninoy.
- Latest