^

Police Metro

18th Congress nakamit ang mataas na attendance record

Pang-masa
18th Congress nakamit ang mataas na attendance record
Sinabi House Deputy Speaker Neptali Gonzales II na hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
File

Sa pamumuno ni Speaker Cayetano...

MANILA, Philippines — Nang magbukas ang 18th Congress nitong Hulyo 22 hanggang Setyembre 10 ay naitala ang kauna-unahang pagkakataon na pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas na umabot sa 247 kongresista para sa kabuuang 18 session days.

Ito umano ang unang pagkakataon na mataas ang numero ng mga dumalo na isang patunay ang pagiging makabayan ng mga mambabatas sa pangunguna at pag-gabay ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Sinabi House Deputy Speaker Neptali Gonzales II na hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.

Sinabi pa ni Gonzales na kabila ng maraming holidays nitong nakaraang buwan,  minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho sa halip na magbakasyon ng mahabang araw na walang pasok.

Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong August 13, ang araw kung saan ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong August 27, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day.

Sa matibay na presensya ng majority ng mga kongresista, nagawa ng House na talakayin ng mahusay ang budget briefings para sa General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations.

Kaya’t nabigyang daan ang mga hearing na ginawa sa maiksing panahon, na nagresulta sa pag-pasa ng tatlong pinaka-aabangang priority measures sa pa­ngatlo at huling pagbasa.

Ang House rin ay nakatakdang lagpasan ang sarili nitong itinakdang deadline para sa pag-pasa ng GAB bago pa mang ang recess ng Kongreso sa October 4.

Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Ca­yetano sa malakas at maayos na pamamahala nito kung saan nailagay sa ayos ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabilis ang pagkamit ng legislative agenda at mga prayoridad.

vuukle comment

CONGRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with