MANILA, Philippines — Isang farm tourist destination sa Palawan ang sumikat sa pagkonsepto ng isang gender sensitivity na palikuran para sa lahat ng uri ng kasarian.
Dalawang taon na ang nakakalipas nang buksan ng Yamang Bukid Farm sa Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City ang palikuran kung saan binibigyan ang anumang uri ng kasarian na gumamit nito kahit ano pa ang kanilang sexual orientation.
Ang palikuran ay may magkakahiwalay na maluluwag na pasilyo para sa mga tinaguriang girl, boy, bakla, tomboy.
Kung ang salitang bakla at tomboy ay tila nakakasakit sa damdamin ng iba, para naman kay Bobby Arzaga, isang Palawan-based vlogger at receptionist para sa farm, ang mga terminong ginamit dito ay para ilarawan ang sexual label at walang halong malisya o intensyon na makasakit ng damdamin.
Lugar para sa organic-based agriculture, ang the Farm ay subsidiary ng health and wellness products-maker na Yamang Bukid Healthy Products Inc. (YBHPI).
Ayon sa designer ng palikuran na si Benjie Monegasque, may adbokasiya na equality para sa lahat, kung saan niyayakap at rumerespeto sa lahat ng gender stripes.