Pulis tinodas ng riding-in-tandem

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong cartridge ng cal. 45, isang nadepormang bala at isang fragment ng bala ng nasabing armas.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng hapon sa kahabaan ng Taask St., Brgy. Alicia, Bago Bantay, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Michael delos Reyes, 36, may-asawa, ng Block 2, Lot 26  GK, Sitio Pajo, Brgy. Baesa, Quezon City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong ala-1:28 ng hapon sa nasabing lugar ay lulan ang biktima ng kanyang kulay itim na motorsiklo na patungo sa eskwelahan ng anak para ito ay sunduin nang sumulpot ang dalawang lalaking nakahelmet at magkaangkas sa NMAX motorcycle  na kulay itim at walang plaka at walang kaabog-abog na pagbabarilin ito.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong cartridge ng cal. 45, isang nadepormang bala at isang fragment ng bala ng nasabing armas.

Nabatid na si Delos Reyes ay dating nakatalaga sa Police Station (PS) 7 sa QCPD pero nailipat sa Police Regional Office - Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) noong Pebrero 17, 2017.

Show comments