MANILA, Philippines — Inilarawan ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) executive director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia na mahal ng yumaong si dating DENR Secretary at PRRC Chairperson Gina Lopez ang Ilog Pasig.
Ayon kay Goitia, na markado ang paglalarawan ni Lopez at ikinukumpara niya ang Pasig River bilang “human nervous system” at halimbawa na rito ang mga sinabi nito na: “Pasig River is the main water artery of the nerve center of the country. The state of the Pasig River has great adverse impact not only on the surrounding area- but on our nation as a whole”.
Si Lopez ang una at tanging Seacology Prize na naipagkaloob sa isang Filipino kung saan binigyan-diin kung paano nabiyayaan ng malinis na tubigan ang France, Germany at Singapore sa aspetong ekonomiya at saykolohiya bilang isang bansa.
Hinangaan niya ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa seryosong paglilinis sa Manila Bay at umaasa siyang ito rin mismo ang ipatutupad sa paglilinis ng Pasig River.
Nilinaw ni Goitia na direktang nagmula sa cellphone ni Lopez ang mga kataga na hinugot oras-mismo sa kanyang natatagong kamalayan.
What a heartfelt message she personally put together!”, paghanga ni Goitia kay Lopez sa paglalarawan dito bilang isang lider na maka-mahirap at maka-kalikasan.
Nalathala ang final message ni Lopez tungkol sa Pasig River sa maiden issue ng The River Man magazine na may limited print run na 1,000 kopya na libreng makukuha sa PRRC office, samantalang ang electronic copies ay maaring hugutin sa Freedom of Information portal.