^

Police Metro

Mga lumayang preso sa GCTA sumuko na kayo! - Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Mga lumayang preso sa GCTA sumuko na kayo! - Duterte
Batay sa datos ng Bureau of Corrections ay lumalabas na nasa mahigit 1,700 heinous crime convicts ang napalaya sa batas ng GCTA simula pa noong 2014.
Screenshot from documentary "Give Up Tomorrow"

P1-M bawat ulo, dead or alive

MANILA, Philippines — Pinasusuko kaha-pon ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang mga heinous crime convicts na nakalaya dahil sa ilalim ng Republic Act 10592 o ang batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga otoridad kung nasaan man sila naroon sa kasalukuyan.

Binigyan ng Pangulo ang mga lumayang convicts na namnamin ang 15 araw nilang kalayaan at sumuko sa pinakamalapit na police station o militar.

Batay sa datos ng Bureau of Corrections ay lumalabas na nasa mahigit 1,700 heinous crime convicts ang napalaya sa batas ng GCTA simula pa noong 2014.

Aniya, kung hindi susuko ang mga napalayang preso kabilang ang mga sangkot sa pagpatay at panggagahasa sa Chiong sisters sa Cebu ay handa itong magbigay ng P1-milyon bawat ulo, patay o buhay kapag hindi sumuko ang mga ito. “Galit ako.

Gusto ko sila pata-yin mga (convicts) pero walang oppor­tunity,” dagdag ng Pangulo.

Ang implementasyon ng Republic Act 10592 ay naging kontrobersiyal matapos ang mapabalitang paglaya ng convic-ted rapist-killer Antonio Sanchez dahil sa umano’y pagpapakita ng magandang pag-uugali nito sa kulungan.

Bago ang kautusan na ito ng Pangulo ay sinibak nito si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon kasunod ng kontrobersya sa pagpapalaya sa mga convicts sa pamamagitan ng GCTA.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with