Ex-mayor Baldo, hindi pinalabas ng kulungan

Sa desisyon ni RTC Branch 10 Judge Maria Theresa San Juan Loquillana P3-milyon bawat count ng kasong murder kung cash bond, subalit P4-milyon ang halaga ng bawat kasong murder kung surety o pro­perty bond.
File

MANILA, Philippines — Katulad na nangyari kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na hindi nakalabas ng kanyang kulungan sa Bilibid ay napigilan din makalabas kahapon ng umaga si dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo nang magsampa ng motion for reconsideration ang prosekusyon sa kasong two-counts of murder at 6-counts of frustrated murder nang ituro itong utak sa pagpatay kay dating Ako Bicol (AKB) partylist Cong. Rodel Batocabe at sa pulis na bodyguard nito at sa pagkakasugat ng anim na iba pa sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay noong Dis­yembre 22, noong nakaraang taon.

Kasama ang ilang kapamilya magbabayad sana kahapon ng P8 milyong pisong surety bond si Atty.Lovensky Fernandez sa Legazpi City Regional Trial Court para sa two-counts of murder at 120-libong piso bawat isa sa 6-counts ng frustrated murder o kabuuang P8.7 milyong piso.

Show comments