Duterte kakausapin si President Xi sa arbitral ruling sa South China Sea

Ang pagbisita ni Pa­ngulong Duterte sa Beijing, Guangzhou at Foshan sa People’s Republic of China ay dahil sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
Presdiential Photo, File

MANILA, Philippines — Ngayong hapon ay nakatakdang tumulak patu­ngong China sa ikalimang pagkakataon si Pangulong­ Rodrigo Duterte para sa kanyang official visit mula Agosto 28 hanggang September 2.

Ang pagbisita ni Pa­ngulong Duterte sa Beijing, Guangzhou at Foshan sa People’s Republic of China ay dahil sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.

Siniguro ng Malacañang na sa ikalimang pag-uusap nina Pangulong Du­terte at Pres. Xi ay isusulong na ang Hague ruling sa South China Sea.

Bukod sa arbitral ru­ling sa South China Sea ay igigiit din ng Pangulo ang 60-40 na hatian sa joint oil exploration sa Reed bank.

Nilinaw din ng Pangulo na hindi giyera ang nais ng Pilipinas sa paggiit ng arbitral ruling kundi isang maayos na settlement.

Ayon naman kay Sen.Bong Go, na nakatakda ring manood ng laban ng Gilas Pilipinas ang Pangulo kontra sa Italy sa FIBA basketball upang magbigay ng ‘moral booster’ sa mga Pinoy cagers.

Show comments