^

Police Metro

Vice gov. ng Southern Leyte inireklamo ng rape

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatatawag ng Ombudsman si Southern Leyte Vice Governor Christopherson Yap dahil sa reklamo ng pangre-rape sa isang 17-anyos na dalagita noong 2016.

Sa affidavit na isinampa ng biktima sa Ombudsman, na hindi pinangalaganan, naganap ang paghalay sa kanya ni  Yap sa loob ng sports utility vehicle nito.

Isinalaysay ng biktima na kahit siya ay magsisigaw sa loob ng sasak­yan ni Yap para humingi ng tulong ay hindi siya naririnig ng mga tao  dahil nakatodo ang volume ng radyo at nakasarado ang pintuan ng sasakyan.

Makaraan ang dalawang linggo ay pinagtangkaan ulit siyang halayin ni Yap, pero napigilan siya ng  kanyang pinsan.

Si Yap ay naging gobernador noong 2017 nang palitan niya ang dinismis na si Governor Damian Mercado.

Subalit, nitong 2019 elections ay si Mercado bilang governor at vice governor naman si Yap.

CHRISTOPHERSON YAP

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with