^

Police Metro

Pagpapalaya sa 11,000 inmates, walang banta sa seguridad-PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Pagpapalaya sa 11,000 inmates, walang banta sa seguridad-PNP
Ito ang sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac,pero sakaling gumawang muli ng krimen ang nasabing mga inmates ay handa nilang muling arestuhin ang mga ito at panagutin sa batas.
STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala silang nakikitang banta sa seguridad ang napipintong pagpapalaya sa tinata­yang 11,000 inmates sa National Bilibid Prison (NBP).

Ito ang sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac,pero sakaling gumawang muli ng krimen ang nasabing mga inmates ay handa nilang muling arestuhin ang mga ito at panagutin sa batas.

Ginawa ni Banac ang pahayag bilang reaksyon sa napaulat na napi­pintong pagpapalaya sa 11,000 inmates dahilan sa binagong patakaran sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592 na nagpapaikli ng sentensya ng mga na­sentensyahang preso na nagpakita ng magandang pag-uugali sa bilangguan.

Nitong Miyerkules ay nilinaw ng Department of Justice ang isyu matapos ang implementasyon ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapaikli ng prison terms ng mga convicted na preso.

Naging mainit ang isyu matapos na lumabas ang ulat na kabilang sa mga palalayain ay ang convicted rapits at murderer na si dating Cala­uan, Laguna Mayor Antonio Sanchez  sa ilalim ng  Good Conduct Time Allowance (GCTA) ruling ng Korte Suprema.

BERNARD BANAC

NATIONAL BILIBID PRISON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with