Reward sa drug informants, aprub sa QC Council
MANILA, Philippines — Aprubado na sa konseho ng Quezon City ang panukalang ordinansa ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco na nagbibigay ng reward sa mga impormante na makapagtuturo ng malalaking sindikato ng illegal drugs upang makatulong sa kampanya ng pamahalaan sa giyera kontra ilegal na droga.
Ayon sa ordinansa ni Coun.Francisco ang mga ibibigay na impormasyon ng nasabing concerned citizens ay magbibigay kalutasan para maiwasan ang krimen at napakahalagang bagay sa mga alagad ng batas sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin para sa komunidad para sa epektibong kampanya laban sa krimen at illegal drugs operation.
Sa kasalukuyan meron dalawang batas ng national na nagbibigay ng reward system sa makapagbibigay ng impormasyon sa paglutas ng krimen at paglaganap ng ilegal na droga, subalit limitado lamang ang naturang batas.
Ayon pa sa ordinansa ang drug code ng lungsod ay tumutukoy lamang sa pagbibigay ng maximum na ten thousand pesos (P10,000) bilang reward sa mga impormante na makakapagbigay ng impormasyon laban sa illegal drug users at peddlers.
Nabatid pa sa ordinansa na ang tanggapan ng City Mayor ay bubuo ng Incentives and Rewards Board, na bubuuin ng City Mayor, bilang chairman, City Vice Mayor bilang Head ng Quezon City Anti-Druiig Abuse Advisory Council bilang vice chairman.
- Latest