5 Chinese warships pumasok ng walang abiso sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Ibinulgar ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng AFP Western Mindanao Command (Westmincom) na namonitor nila ang pagpasok ng limang warship ng China ng walang paalam malapit sa Sibutu at Balabac Strait malapit sa Tawi –Tawi nitong Hulyo at Agosto.
Ayon kay Sobejana, dalawa sa mga warships ay naispatan sa Sibutu Strait noong Huloyo at tatlo pa nitong Agosto kung saan hindi ng mga ito ginamit ang Automatic Identification System (IDS) na siyang tutukoy sa mga banyagang barko na nagdaraan sa 200 nawtikal na milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ang Sibutu Strait ay kinikilala bilang pandaigdigang sea lane ng mga dayuhang barko na may karapatan sa ‘innocent passage’ pero iginiit ng opisyal na ang pagpasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas ay tila isang pananadya.
Nabatid sa opisyal na naispatan ng coastal at aircraft patrol ng Philippine Navy at aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpasok ng walang paalam ng mga Chinese vessels kung saan dali-dali ang mga itong umalis nang maramdaman na may nagmomonitor sa kanila.
Inihayag ni Sobejana na ipinabatid na niya sa higher headquarters ang insidente dahilan mandato nila na ipaalam sa nakatataas sa gobyerno kung may mamonitor na mga dayuhang barko na pumapasok ng walang paalam sa katubigan sa teritoryong nasasaklaw ng bansa.
- Latest