^

Police Metro

Totoy nilapa ng buwaya

Joy Cantos - Pang-masa
Totoy nilapa ng buwaya
Kinilala ni Police Lt. Colonel Socrates Faltado, Spokesman ng MIMAROPA ang biktimang si Mihasan Suraping, estudyante ng Paliisan Elementary School at residente ng Sitio Karikitan, Brgy. Catapugan, Balabac.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang 10-anyos na batang lalaki ang nawakwak ang ulo at kanang binti na lamang ang natira makaraan itong atakihin at lapain ng buwaya sa ilog ng Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Balabac, Palawan.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Socrates Faltado, Spokesman ng MIMAROPA ang biktimang si Mihasan Suraping, estudyante ng Paliisan Elementary School at residente ng Sitio Karikitan, Brgy. Catapugan, Balabac.

Natagpuan sa ilog ang wakwak na nitong ulo at bahagi ng natirang kanang binti makalipas ang isang araw na pag-atake ng buwaya.

Sa salaysay ni Robinsio Suraping, ama ng biktima bandang alas-6:00 ng gabi nitong Agosto 11 nang magtungo sa isang tindahan ang kanyang anak kasama ang dalawa nitong kapatid na sina Lokan, 12; at Marlina, 15, gamit ang isang maliit na bangka.

Nabatid na pabalik na ang magkakapatid sa kanilang bahay kung saan nakaupo ang biktima  sa dulo ng bangka nang big­lang umatake ang isang buwaya na sinunggaban ito ng matatalim saka tinangay sa ilalim ng tubig.

Mabilis namang su­magwan ang dalawang magkapatid patungo sa kanilang bahay at agad sinabi sa kanilang ama ang pangyayari kung saan humingi ito ng tulong kasama ang mga lalaking kapitbahay para sa search and rescue operation pero dahilan madilim na ang paligid ay nabigong maha­nap ang batang biktima.

Ayon sa pulisya, kahapon nang magtungo sa himpilan ng Balabac Municipal Police Station (MPS) ang mangingisdang si Alajong Amalong na inireport ang pagkakatagpo sa isang wakwak na ulo ng batang lalaki at nalabing kanang binti.

Positibo namang kinilala ni Robinsio na labi ng kaniyang anak na matapos linisin ang natirang parte ng katawan ay inilibing na ito ng pamilya.

Ang lugar ay isang ma­laking ilog na karugtong ng dagat sa lugar kung saan nagagawi ang malalaking buwaya.

LAPAIN NG BUWAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->