^

Police Metro

1K kabataan nadoktrinahan ng CPP-NPA

Joy Cantos - Pang-masa
1K kabataan nadoktrinahan ng CPP-NPA
Ito ang ibinulgar ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año sa gitna na rin ng pagtangis at pagdadalamhati ng limang nawawala, tatlo rito ay senior high school sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), isa mula sa Far Eastern University at ang isa pa ay estudyante naman ng University of the East Manila.
File

MANILA, Philippines — Tinatayang uma­abot sa 500 hanggang 1,000 mga kabataang estudyante na mga na-recruit ang dinodoktrinahan ng Communist Party of the Phi­lippines – New People’s Army (CPP-NPA) kada taon upang maging mi­yembro ng komunistang kilusan.

Ito ang ibinulgar ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año sa gitna na rin ng pagtangis at pagdadalamhati ng limang nawawala, tatlo rito ay senior high school sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), isa mula sa Far Eastern University at ang isa pa ay estudyante naman ng University of the East Manila.

Sa nakalap na intelligence report, sinabi ni Año na ang nasabing mga kabataang estudyante matapos na madoktrinahan at ma-recruit sa CPP-NPA ay bumabalik sa kanilang mga eskuwelahan kung saan nagiging militanteng mga estudyanteng lider ang mga ito.

 “Ang nangyayari kasi ngayon, so many schools are deeply infiltrated by the CPP-NPA through their front organizations. Ngayon itong mga rebeldeng ito ay may mga corresponding member organizations sa mga eskwelahan kaya ito yun dapat nating bantayan”, wika ng Kalihim.

Aminado ang opisyal na lubhang nakakalungkot at na-repeal ang Republic Act 1700 o ang Anti –Subversion Act kung saan dapat ay ban o bawal pumasok sa mga unibersidad at kolehiyo ang mga makakaliwang grupo dahilan ginagamit lamang nila itong paraan sa pagre-recruit ng mga kabataang estudyante.

Ang pagre-recruit ng mga kabataang estudyante ay paraan din ng CPP-NPA para ibagsak ang demokratikong pamahalaan sa bansa sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.

Binalaan ni Año ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak na huwag sumali sa aktibong pagre-recruit ng makakaliwang grupo sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa na nagpapanggap umanong ‘progressive pro-poor organizations’ pero ang totoo ay mga front organization o recruitment centers ng mga rebeldeng komunista.

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with