MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na uubra ang visa upon arrival ng mga Chinese tourist sa bansa.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin.
Ang panukala ni Sec. Locsin ay dapat tatakan muna ng visa sa kanilang pasaporte ang mga Chinese nationals na gustong pumasok sa Pilipinas at nakagawiang visa upon arrival ay hindi na papayagan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Magugunita na naalarma si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagdagsa ng mga Chinese tourists sa bansa na ipinapalagay niyang security risk.