^

Police Metro

Life hatol sa Army reservist na pumatay ng siklista

Ludy Bermudo - Pang-masa
Life hatol sa Army reservist na pumatay ng siklista
Inieskortan ng pulis ang road rage suspect na si Vhon Tanto, matapos mahatulang guilty ng korte sa pagbaril at pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila noong 2016.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Makukulong ng 20 hanggang 40 taon ang na­ging hatol ng Manila RTC Branch 14 Judge Albert Tenorio sa akusadong si Vhon Martin Tanto, Army reservist matapos mapatunayang guilty sa kasong murder sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil sa nangyaring road rage sa Quiapo, Maynila noong Hulyo 25, 2016.

Bukod sa pagkabilanggo, pinagbabayad din ng hukuman si Tanto sa pamilya ni Garalde ng P1.048 milyon bilang actual damages; P100,000 bilang civil indemnity; P100,000 bilang moral damages, at panibagong P100,000 bilang exemplary damages.

Sa rekord ng korte, naganap ang insidente dakong alas-9:36 ng gabi, noong Hulyo 25, 2016 sa P. Casal Street sa Quiapo ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa dahil sa away trapiko na nagresulta upang apat na ulit na barilin ni Tanto si Garalde at nadamay pa ng ligaw na bala ang 18-anyos na si Rocel Bondoc, estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM).

Si Tanto, na may ranggong private ay na-assign sa 131st Community Defense Center, National Community Defense Group ng Army Reserve Command sa Caloocan City ay nagtago matapos ang krimen sa Bangad, Milagros, Masbate na naaresto rin makalipas ang apat na araw.

VHON MARTIN TANTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with