Solon nag-‘bomb joke’ sa naia
MANILA, Philippines — Isang solon ang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umano’y ginawa nitong bomb joke nang sabihin na may lamang bomba ang kanyang dalang mga maleta, kamakalawa ng gabi.
Napigilang maaresto si APEC Partylist Rep.Sergio Dagooc nang dumating ang kanyang abogado at sinabi na hindi puwedeng arestuhin ang kanyang kliyente dahil sa immunity habang may sesyon ang Kongreso.
Mariin naman itinanggi ni Dagooc na nag-bomb joke siya dahil lampas sa 7kg limit ang kaniyang handcarry baggage dahil may laman itong “bands” ng P50,000 pera sa loob at nang timbangin ay umabot ito ng 11kg.
Pinakiusapan umano nito ang check in counter na payagan ang kaniyang excess baggage dahil may laman itong “bands” ng pera na posibleng nagkamali lamang umano ng dinig ang kausap niya kaya naging bomb ito sa halip na “bands”.
Samantala, inihayag ni House Minority Leader Benny Abante na dapat ay umakto ng tama si Dagooc bilang isang mambabatas at kung hindi niya ito kayang gawin ay makabubuting magbitiw na lamang ito.
- Latest