E-trike sa Maynila, ipagbabawal na

Sinabi rin ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board na hindi maaaring i-regulate ang e-trikes dahil ito ay hindi isang motorized vehicles.
File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagbabawal na niya ang pagbiyahe ng e-tricycles matapos ituring ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang uri na isang “laruan”.

“Ako pinapa-pull out ko na. We will pull it out kasi (because) it gene­rates chaos,” pahayag ni Moreno sa mga mamamahayag matapos ang pakikipagpulong sa ibang Metro Manila mayors.

Sinabi rin ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na hindi maaaring i-regulate ang e-trikes dahil ito ay hindi isang motorized vehicles.

“’Yung LTFRB binigyan ng prebiliheyo na makapag-hanapbuhay ‘yung jeepney dri­ver tapos inagawan ng pasahero ng e-trike na walang prangkisa pero may pagkilala ng lokal (na pamahalaan),” wika ni Moreno.

Hiniling ni MMDA Chairman Lim, na bigyan ng atensyon ang mga e-trike na kung saan-saan na lang bumibiyahe na dinaig pa ang jeep na may ruta.

Una na ring sinabi ni MMDA  General Manager Jojo Garcia na hindi pwede sa public roads ang e-trike dahil sa bagal ng takbo nito at pwede lamang ang mga ito sa subdivision.

Lumilitaw na 280 ang e-trikes na bumibiyahe ngayon sa Maynila.

Show comments