^

Police Metro

PNP: Bikoy may iprinisintang ebidensiya vs Leni atbp.

Joy Cantos - Pang-masa
PNP: Bikoy may iprinisintang ebidensiya vs Leni atbp.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, at kabilang sa mga iprinisintang ebidensiya ni Bikoy ay ang kaniyang cellular phones na naglalaman ng kaniyang pakikipag-usap sa mga personalidad na inilutang nitong nasa likod ng kontrobersyal na Bikoy “Ang Totoong Narcolist video’ gayundin ang laptop nito.
Leni Robredo FB Page

MANILA, Philippines — May hawak na mga ebidensiya na ipri­nisinta ang kontrobersyal na whistle blower na si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy laban kay Vice President Leni Robrero, mga obispo at iba pang kasapi ng oposisyon  na naging batayan ng pagsasampa ng kasong sedisyon laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, at kabilang sa mga iprinisintang ebidensiya ni Bikoy ay ang kaniyang cellular phones  na naglalaman ng kaniyang pakikipag-usap sa mga personalidad na inilutang nitong nasa likod ng kontrobersyal na Bikoy “Ang Totoong Narcolist video’ gayundin ang laptop nito.

Ang mga pahayag ni Bikoy ay pinatunayan ng iba pang mga testigo na nakunan ng testimonya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Gen. Amador Corpus.

Muli rin nitong iginiit na normal lamang na komonsulta muna ang PNP-CIDG sa isyung legal sa Office of the Solicitor ­General (OSG) bago magsampa ng kasong sedisyon sa Department of Justice (DOJ).

Si Bikoy ang nagdawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga malalapit na kaibigan sa illegal drug trade sa bansa sa ‘Ang Totoong Narcolist video”.

Subalit, bumaligtad ito at itinuro si dating Senador Antonio Trillanes IV na siyang utak kung saan kasama rin sa mga inakusahan si Robredo, ilang mga Obispo at ma­ging ang iba pang mi­yembro ng oposisyon na may plano umanong ibagsak ang administrasyon.

Sinabi ni Albayalde na si Bikoy mismo ang nagpalutang sa pangalan ni Robredo kaya maging ito ay sinampahan ng kaso ng PNP-CIDG.

LENI ROBRERO

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with