^

Police Metro

3 araw na lock-out policy ipapatupad sa Batasan Complex

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong araw na lock-out policy ang ipapatupad ng Kamara bago sumapit ang State of the Nation (SONA) ni Pa­ngulong Duterte sa Lunes (Hulyo 22).

Epektibo ang lock-out policy sa Hulyo 19-21, 2019 kung saan hindi papayagang makapasok ng Batasan Complex ang sinumang walang official business.

Nakasaad din sa inilabas na advisory ni House Acting Secretary General Roberto Maling na hindi makakapasok  ang mga sasakyang walang stickers na inisyu ng Kamara.

Ang nasabing hakbang ay para masiguro ang kaayusan at seguridad bago ang nakatakdang SONA ng Pangulo sa lunes.

Makakapasok lamang ay ang mga empleyado at non-employees tulad ng media personnel, caterers at contractors  sa mga nabanggit na araw kung kasama ang kanilang pangalan sa isinumite ng Office of the Executive Director Legis­lative Security Bureau.

Kung  nasa listahan naman ay kaila­ngan lang isuot ang kanilang IDs  at ang pagkakabit ng color coded stickers sa north gate ng Batasan.

STATE OF THE NATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with