Metrobank hinoldap ng 7 lalaki
MANILA, Philippines — Isang sangay ng Metrobank ang pinasok at hinoldap ng pitong lalaki nang ito ay magbukas kahapon ng umaga sa Sto. Cristo at CM Recto Avenue, Binondo, Maynila.
Sa ulat, dakong alas-8:43 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang bangko at ipinasok ang mga empleyado sa isang silid, iginapos ang nakatalagang security guard bago tinangay ang hindi pa natutukoy na halaga ng pera.
Tinangay din ang closed circuit television (CCTV) ng mga suspek na nakakabit sa loob ng bangko bago nagsitakas.
Sa impormasyon ng pulisya na may dalawang naka-unipormeng security guard ang nagmamadaling lumabas sa bangko at tumakas sakay ng motorsiklo.
Mabilis na nakaresponde ang Manila Police District-Station 11, subalit hindi agad nakapasok sa bangko nang sila ay harangin ng chief security na si Retired Police Ge-neral Louie Opus dahil sa umiiral umanong guidelines ng bangko.
Dalawang oras bago pa tuluyang nakapasok ang mga pulis sa loob ng bangko nang dumating at umapela na si Manila Mayor Isko Moreno na papasukin ang mga pulis habang agad namang iniutos ni Manila Police District Director P/Brig. General Vicente Danao Jr., na magsagawa ng dragnet operations at mangalap ng mga ebidensiya kabilang ang mga CCTV sa mga katabing lugar at nakakasakop na barangay.
Nag-alok si Mayor Moreno ng P1-milyong pabu- ya para sa ikadarakip ng mga suspek.
- Latest