^

Police Metro

Baril, bala nasabat sa Pasay

Doris Franche - Pang-masa
Baril, bala nasabat sa Pasay
Sinusuri ni NAIA customs district collector Mi­mel Ta­lusan ang mga na­sabat na iba’t-ibang uri ng mga baril at bala sa isang warehouse sa Pasay City sa isinagawang tatlong magkakasunod na ope­rasyon nitong mga nagdaang araw.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA District Office sa tatlong araw nitong operasyon ang mga baril at bala sa isang warehouse sa Pasay City, ayon sa ulat.

Nadiskubre sa DHL warehouse ang 35 piraso ng imported rifle parts mula sa Hong Kong na idineklarang general mer­chandise maging ang isang Glock pistol, apat na unit ng Glock magazines at 92 piraso ng live ammunitions na idineklarang “new water pump” at dadalhin sana sa Taiwan.

Sa nasabing warehouse din nakumpiska ang isang airgun rifle at apat na pi­raso ng airgun accessories at gun parts na mula sa China.

Nakumpiska ang mga ito sa magkakaibang petsa na Hulyo 1, Hulyo 4 at Hulyo 7.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Fire­arms and Ammunition Act, kukumpiskahin ang mga inimport at inexport na mga baril, gun parts at ammunition kung walang kaukulang clea­rance mula sa gobyerno.

BUREAU OF CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with