Binatilyo binaril ng bading sa klasrum

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali sa loob ng klasrum ng biktima ay nakita pa ang suspek ng isang mag-aaral na sumilip sa bintana. Ilang sandali ay pumasok ito at malapitang pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima na walang kamalay-malay na duguang bumulagta. Mabilis na tumakas ang suspek.
File

Kumalas sa relasyon...

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 15-anyos na binatilyong estudyante nang ito ay barilin ng tatlong beses sa silid-aralan ng kanya umanong syotang bading naganap kahapon sa Brgy. Masili, Calamba City, Laguna.

Ang biktima na itinago sa pangalang Anthony, Grade VII sa Castor Alviar National High School ay unang nasa 50/50 ang kalagayan matapos ma-comatose dahil sa da­lawang tama ng bala sa katawan at isa sa ulo na na­matay dakong alas-4 ng hapon.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Renz Ivan Balderama, tinatayang nasa pagitan ng 30-35 anyos, isa umanong bading kung saan may relasyon umanong sekswal sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali sa loob ng klasrum ng biktima ay nakita pa ang suspek ng isang mag-aaral na sumilip sa bintana. Ilang sandali ay pumasok ito at malapitang pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima na walang kamalay-malay na duguang bumulagta. Mabilis na tumakas ang suspek.

Lumilitaw sa imbestigasyon na may relasyon si Anthony at ang suspek at hinihinalang nakikipagkalas na ang una sa suspek na labis namang nagseselos sa mga dalagitang madalas kasama ng binatilyo.

Show comments