MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., na si Leyte Congressman Martin Romualdez ang nangunguna para maging House Speaker sa nakuha nitong 30%, sinundan ni Taguig Congressman Allan Peter Cayetano na nakakuha naman ng 23%, habang si dating Speaker Pantaleon Alvarez naman ay nakakuha ng 18% at ang panghuli ay si Marinduque Lord Alan Velasco na nakakuha lamang ng 14%.
Sa nationwide survey, lumitaw na si Romualdez ang no.1 choice sa Visayas (35%), Balance of Luzon (31%), at Mindanao regions (23%).
Sa National Capital Region (NCR), nanguna naman si Cayetano na may thirty-three percent points (33%), pumangalawa si Romualdez na may twenty-seven percent points (27%). Samantalang sa Balance of Luzon, pumangalawa naman si Cayetano na may twenty-five percent points (25%) kay Romualdez na may thirty-one percent points (31%).
Sa Visayas regions, si Velasco ay nakakuha lang ng nineteen percent points (19%) na pinangungunahan pa din ni Romualdez na may thirty-five percent points at si Cayetano na nasa pangalawang pwesto na may twenty-one percent points (21%).
Sa Mindanao, “statistically tied” naman si Romualdez na may twenty-three percent points (23%) kay Alvarez na nakakuha ng twenty percent points (20%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) ang incoming members sa House of Representatives ay nasa “turmoil stage” at sa tingin namin na obligasyon namin na pulsuhan ang sentimento ng kanilang constituents at umaasa na pakikinggan nila ang boses ng kanilang nasasakupan.
Ang non-commissioned survey ay ginanap noong July 26-31, 2019 na may 3,500 registered voters nationwide at may 3% +/- margin of error.