MANILA, Philippines — Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng biktimang si Myka Ulpina, 3 na tinamaan ng bala sa katawan nang gawing human shield ng amang drug suspect nang manlaban ito sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng umaga.
Magugunita na binihag ang biktima ng kanyang tatay na si Renato Dolorfina, alyas ‘Kato’, nang manlaban sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya at isa pa ay hindi nakilalang kasamahan sa isang buy-bust operation sa kanyang bahay sa Pines Street, Metro Manila Hills Subdivision, Barangay San Jose, Rodriguez.
Sa naturang engkuwentro ay namatay ang pulis na si P/SMS Conrado Cabigao, na nagsilbing poseur buyer sa operasyon nang barilin ng suspek habang namatay din ang huli nang gumanti ng putok ang mga kasamang pulis ng una.