Mayor Joy B magseserbisyo na may puso
MANILA, Philippines — Serbisyong may puso ang gagawin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang pamumuno sa lungsod.
Ito ang naging pahayag ni Belmonte matapos na manumpa kahapon bilang bagong alkalde sa harap ni Justice Estela Perlas-Bernabe sa Vertis North Quezon City.
Ayon kay Belmonte, sa loob ng 100 araw sa posisyon ay prayoridad niya ang mga area ng housing, social services, education at health.
“Kung umangat at umarangkada ang lungsod natin, sisiguruhin ko na walang maiiwan”, pahayag ni Belmonte.
Sa housing ay tutulungan ang may 188,549 informal settler families na magkaroon ng maayos na tirahan at mailayo sa panganib ang mga naninirahan sa danger zone.
Sa social services ay itataas ang burial assistance sa indigent citizens mula P10,000 ay gagawing P25,000 at ang medial assistance ay gagawing P5,000 mula P3,000 Gagawin din anyang 3 hanggang 5 araw lamang ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga nasunugan mula sa dating 6 na buwan.
Sa edukasyon, sisimulang itayo ang bagbag national Integrated High School sa Novaliches, magkakaloob ng libreng eye, medical at dental check up sa mga public school students sa pamamagitan ng PPPs sa mga ospital kada distrito, magtatayo ng libreng TESDA Assessement Center para sa mga Senior HS tech voc graduates at ilan pang skills training programs ng lungsod upang matulungan ang mga kabataan na matupad ang kanilang pangarap sa buhay.
Sa kalusugan anya, gagawing doble ang doctor sa health centers upang matiyak na may isang doctor bawat health center at titiyaking ang mga LGU run hospital at health centers ay may naka-stock na mga gamot para sa mga constituents.
Bibigyan din ng lokal na pamahalaan ang mga senior citizen ng maintenance medicines na may high blood o diabetes at libreng bakuna para sa flu at pulmonya.
- Latest