MANILA, Philippines — Makakasali na ang milyong Pinoy sa digital economy sa pamamagitan ng isang e-money platform na kung saan ay maaari nang magamit ng sinumang telco subscriber.
Makararating na sa lahat ang mga benepisyo ng financial technology nang buksan ng Globe Fintech Innovations Inc. (Mynt) ang mobile wallet nitong GCash para sa lahat ng telco subribers sa bansa – maging sila man ay Globe, TM, Smart, Sun, TNT o Cherry users at maging ang mga magiging subscriber ng alinmang papasok pang telco player.
Ang GCash – na pinatatakbo ng Mynt at may sosyo ang Globe Telecom Inc. – ay nagagamit lamang dati ng mga Globe subscriber.
Kaya’t ang naging hakbang ng Mynt ay na-ngangahulugang abot na ng daliri ng mahigit 100 milyong Pilipino ang mga serbisyo ng GCash.
Noong nakaraang taon, nasa 74.1 milyon ang subscriber base ng Globe habang nasa 60.5 milyon naman ang tumatangkilik sa Smart, Sun, at TNT na nabibilang sa PLDT Group. Halos 130 milyon dito ang prepaid subscribers.
Kaya nagagamit ang GCash digital wallet na pang-load at panghiram ng load sa kahit anong mobile network; pamba-yad ng bills, credit card, government services, at tuition; at walang bayad ang pagpapadala ng pera sa isa pang GCash user.