MANILA, Philippines — Dulot umano ng panibagong galaw sa international market ay muli na namang magtataas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong araw.
Naglabas ng advisory ang Pilipinas Shell Petroleum, nasa P.55 sentimos kada litro ang kanilang idadagdag sa diesel, P.30 sentimos sa kada litro ng gasolina at P.45 sa kada litro naman ng kerosene.
Ang ibang oil players tulad ng Phoenix Petroleum, Chevron Philippines, Eastern Petroleum, Petro Gazz, Cleanfuel at PTT Philippines ay magtataas din ng parehong presyo sa gasolina, diesel at kerosene habang inaasahan na susunod ang iba pang oil companies sa bansa.
Epektibo ang dagdag-presyo ngayong alas-6:00 ng umaga na magiging ikalawang sunod na oil price hike.